-- Advertisements --

Inakusahan ni President Volodymyr Zelensky ang Russia na ginagawang ‘blackmail’ ang Zaporizhzhia nuclear plant.

Inatasan niya kasi ang mga sundalo nito na ang sinumang sundalo ng Russia na magpapaputok o magtatago sa nasabing pinakamalaking nuclear plant sa Europa ay magiging special target para sa mga security services.

Noon pa kasing Marso ay nakubkob na ng Russia ang lugar at inakusahan ang mga ito na nagtayo na sila ng kanilang army base.

Naka-hostage umano ang mga tauhan ng planta para tuloy-tuloy ang operasyon nito.

Patuloy ang ginagawang palitan ng putok sa lugar kung saan kapwa nagtuturuan ang dalawang panig.

Ang six-nuclear reactor Zaporizhzhia plant ay matatagpuan sa Enerhodar City malapit sa kailugan ng Dnieper sa southern Ukraine.

Nagbabala na rin ang United Nations sa magkabilang panig kung saan magkakaroon ng matinding pinsala kapag itinuloy ang labanan ng dalawang panig.