Sinimulan na ng United Kingdom ang human trial ng bakuna para sa coronavirus.
Nasa 300 katao ang posibleng maturukan na ng bakuna sa mga susunod na linggo bilang bahagi ng trial na pinangunahan ni Prof. Robin Shattock at kasamahan nito sa Imperial College sa London.
Sa ngayon ay tinurukan ang mga ito ng immunization para hindi magkaroon ng negatibong epekto sa katawan ng mga taong sasailalim sa trial.
Naging ligtas naman ang isinagawang trial sa mga hayop kaya nagpasya na sila na isunod na ito sa mga tao.
Nagsimula na rin ang mga ekperto sa Oxford University ng kanilang human trials.
Ang nasabing trials ay ilan lamang sa buong mundo kung saan aabot sa 120 na vaccine programmes ang kasalukuyang isinasagwa.
Kabilang sa nagvolunteer ang isang finance worker na kaya ito nagpasya na maging human trial ay dahil nais niyang maging bahagi sa paglaban sa virus.
















