-- Advertisements --
Nagdagdag pa ang United Kingdom ng mga sundalo at mga air defense systems sa ilang mga base militar nila.
Ayon kay UK Defence Secretary John Healey , na kanilang binigyan ng karagdagang air defense ang Saudi Arabia, Kuwait at Bahrain.
Magpapatuloy din ang paglipad ng kanilang British Typhoon jets sa Qatar.
Bukod pa dito ay nagpadala na rin sila ng mahigit 1,000 na mga sundalo ng UK.
Bumisita sa Qatar si Healey kung saan tiniyak niya sa nasabing bansa na handa ang UK na protektahan ang mga bansa sa Gitnang Silangan.
Binigyang linaw din nito na hanggang sa ngayon ay mahigpit na kaalyado ng US ang United Kingdom.
















