Magpapadala ang United Kingdom ng mga warships at surveillance aircraft bilang suporta sa Israel.
Sinabi ni British Prime Minister Rishi Sunak na kaniyang inatasan ang kanilang military assets na ilagay ang mga ito sa eastern Mediterranean bilang suporta sa regional stability at maiwasan ang paglaganap ng tensyon sa lugar.
Magpapatrolya ang Royal Air Force para matulungan ang mga kaalyadong bansa na mabantayan ang anumang banta sa regional security.
Nagbigay na rin ang Jordan ng $4.3 milyon bilang donasyon sa United Nations Relief and Works Agency para sa Palestine Refugees.
Ayon sa UNRWA na ang pondo ay malaking tulong sa sibilyan na nadadamay sa kaguluhan.
Patuloy din ang apila ng ahensiya ng pagkain para sa mga sibilyan kung saan sinisibilhan nila ang 1.4 milyon katao sa Gaza.
HIndi bababa sa $104 milyon na tulong ang kailangan para sa naiipit Gaza strip.