Maglalayag ang Carrier Strike Group (CSG) ng Britanya sa kargatan ng Asya.
Sinabi ni United Kingdom Defense Secretary Ben Wallace na sa buwan ng Mayo ay magsisimula ang paglalayag para ipakita ang kanilang lakas sa mga kaalyado nilang mga bansa.
Pangungunahan ng aircraft carrier na HMS Queen Elizabeth na siyang unang beses na ito ay ma-deploy.
Ang dalawang aricraft carriers ng UK ay siyang tinaguriang pinakamalaking warship ng UK.
Makakasama sa nila ang dalawang destroyers, dalawang anti-submarine frigates, isang submarine at dalawang auxilliary supply ship.
Kasama rin nila ang US Navy guided-missile destroyer ganun din ang mga barko ng the Netherlands.
Isasagawa ang nasabing pag-deploy nila ng mga barko kasabay ng 50th anibersaryo ng defense pact sa pagitan ng mga bansa ng Malaysia, Singapore, Australia, New Zealand at UK.