-- Advertisements --

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kanyang kapatid na si Irene Marcos-Araneta ang tumulong sa pagpili ng Barong Tagalog na suot niya sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).

Ayon sa Pangulo, regular na naghahanap si Irene ng mga barong at damit na bagay sa kanya, lalo na para sa mahahalagang okasyon.

Sinabi rin ni Marcos na humigit-kumulang isang buwan bago ang SONA, nagpadala ang kanyang kapatid ng limang barong upang pagpilian niya.

“Ang mga damit ko, lalo na mga barong ko, ay ang kapatid ko, si Irene. Siya ang naghahanap, lagi naghahanap. ‘Yung pag may nakita siya na magandang barong o magandang damit, ay kukunin niya at sasabihin niya, ‘Oh, gamitin mo ito,’” pahayag ni Pang. Marcos.