-- Advertisements --

Ipinapaubaya ng United Kingdom sa Ukraine kung paano nila gamitin ang mga armas na kanilang ibinigay para labanan ang Russia.

Sa pagbisita sa UKraine ni UK Foreign Secretary Lord Cameron na personal nitong nakapulong si President Volodymyr Zelensky at tinalakay ang mga armas na bigay ng Britanya.

Nagkasundo rin sil an magbibigay ang UK kada taon ng $3.75 bilyon na halaga ng armas.

Dagdag pa ni Cameron na ang hakbang ay dahil sa patuloy ang pagpasok ng Russia sa mga teritoryo ng Ukraine kaya mahalaga na mabigyan sila ng armas.

Kinondina naman ito ng Russia kung saan sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na ang hakbang ng UK ay nagpapadagdag ng tensiyon sa dalawang bansa.

Magugunitang makailang ulit na nanawagan si Zelensky sa mga kaalyadong bansa na bilisan at dagdagan ang mga armas na ibibigay dahil sa nagiging agresibo na ang Russia sa kanilang pag-atake.