-- Advertisements --
Wala pang balak ang United Kingdom na magpadala ng kanilang mga British warship para matulungan mailabas ang mga iniaangkat na pagkain sa binarahan na port of Odesa sa Ukraine.
Sinabi ni UK Foreign Secretary LIz Truss na ang nasabing mungkahi ay mula sa foreign minister ng Lithuania.
Patuloy din aniya silang makikipag-ugnayan sa kanilang international partners para ipagpatuloy ang pag-angkat ng mga pagkain dahil sa pagharang ng Russia sa Black Sea.
Nauna ng nagbabala si UK Transport Secretary Grant Shapps na ang kakulangan ng pagkain ay magdudulot ng insidente ng pagkamatay dahil sa gutom.