-- Advertisements --
Pinapamadali na ng gobyerno ng United Kingdom ang pag-assess sa COVID-19 vaccine na gawa ng Oxford at AstraZeneca.
Ayon sa Medicines and Healthcare products Regulatory Agency (MHRA), nasa unang hakbang na sila para sa pag-apruba at pagbakuna sa kanilang mga mamamayan.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pahayag ng kompaniya na mayroon silang mataas na effectivity rate.
Aabot kasi sa 100 million doses ang na-pre-order ng UK government na gawa ng Oxford University at 40 million naman ang kanilang inorder mula sa bakuna na gawa ng Pfizer at BioNTech.
Sinaib rin ni British Health Secretary Matt Hancock na walang tigil ang gobyerno nila para posibleng pagsisimula na ng pagpapabakuna.