-- Advertisements --
Pinayuhan ng gobyerno ng United Kingdom ang mga darating sa kanilang bansa na sumailalim sa 14 na araw na self-isolation.
Sinabi ni British Home Secretary Priti Patel, magsisimula ang nasabing patakaran sa Hunyo 8.
Kailangan ay ibigay ng mga pasaherong dumarating sa kanilang bansa ng kanilang address at contact details sa mga otoridad.
Ang sinumang lalabag aniya ay papatawan nila ng kaparusahan.
Depensa nito, nais lamang ng kanilang gobyerno na protektahan ang kanilang mamamayan laban sa coronavirus na maaaring manggaling sa ibang bansa.