-- Advertisements --

Nagtala ng anim na bagong kaso ng Ebola ang Uganda.

Ayon sa World Health Organization (WHO) na mayroon isang 24-anyos na lalaki ang nasawi na rin sa nasabing bansa dahil sa virus.

Sa kabuuan pa rin ay mayroong pitong kaso na ang naitala sa Uganda at isa na ang nasawi.

Sumasailalim na rin sa gamutan ang 43 contacts at 10 katao na pinaniniwalaang dinapuan ng nasabing virus.

Sinabi pa ni Abdou Salam Gueye ang regional emergency director ng WHO Regional Office sa Africa na may mga tao na sila sa lugar para magsagawa ng surveillance at paggamot sa mga dinapuan ng virus.