-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating UFC mixed martial arts veteran Elias Theodorou dahil sa cancer sa edad 34.

Mayroong record itong 19 panalo at tatlong talo bilang professional mixed martial arts sa world’s premirer MMA organization.

Noong 2014 hanggang 2019 ng makapasok ito sa UFC ay mayroong record siya na walong panalo at tatlong talo.

Taong 2019 ng pakawalan na siya ng UFC matapos ang unanimous decision na pagkatalo kay Derek Brunson

Kahit na wala na sa UFC ay lumaban pa rin ito at tatlong beses pa ito sa na ang huli ay noong Disyebmre 2021 ng talunin si Bryan Baker sa pamamagitan ng unanimous decision.

Siya rin ang unang MMA fighter na nakatanggap ng therapeutic use exemption ng canabis noong Enero 2020.