Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 si UFC fighter Pedro Munhoz.

Munhoz Pedro
Pedro Munhoz/IG post

Ang nasabing anunsiyo ay isinagawa bago ang laban nito kay dating UFC lightweight world champion Frankie Edgar sa darating na Hulyo 15.

Dahil sa pangyayari ay hindi na matutuloy na sasabak ang Brazilian bantamweight fighter.

Gagaapin ang laban ng dalawa sa Fight Island sa Abu Dhabi.

Nagbigay naman ng panghihinayang at asam na lamang ang mabilis na paggaling kay Munhoz mula sa kaniyang makakalaban na si Edgar.