Pinatawan ng anim na buwang medical suspension si dating UFC middleweight world champion Chris Weidman matapos ang injury sa laban niya kay Uriah Hall noong UFC 251 noong Abril.

Nabali kasi ang kanang hita ng 36-anyos na si Weidman ng tamaan niya ang tuhod ni Hall.

Kahit na matagumpay ang kaniyang operasyon ay kinailangan pa rin nito ng ainm na buwan para tuluyang gumaling.

Maging si Jorge Masvidal ay nakatanggap rin ng 60-day suspension mula sa Florida Athletic Commission matapos ang brutal na second-round knockout sa kamay ni UFC middleweight champion Kamaru Usman.