Kakaibang paraan na ipinagdiwang ni UFC star Amanda Nunes ang kaniyang panalo.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan na nakahubad na katabi ang isang leon at ang dalawang UFC belt nito.

Nitong linggo kasi ay tinalo niya si Felicia Spencer sa UFC 250 na siyang pang-11 na sunod na panalo ni Nunes.

Ang 32-anyos na si Nunes ay siyang itinuturing ngayon na unang UFC fighter na nagdepensa ng dalawang titulo.