Reading Time: 1 minute

Binawian ng Ateneo de Manila University ang University of Santo Tomas (UST) sa Game 2 ng UAAP Season 81 women’s volleyball finals nitong Miyerkules na ginanap sa lungsod ng Pasay.

Inangkin ng Lady Eagles ang panalo sa four sets, 26-24, 14-25, 25-21, 25-15, upang pantayin sa 1-1 ang kanilang serye ng UST.

Dahil dito, napuwersa ng Ateneo ang isang do-or-die match na gaganapin sa MOA Arena sa araw ng Sabado.

Matatandaang noong nakaraang Sabado nang makabuwena mano ang UST nang itumba nila ang Ateneo sa loob ng tatlong sets, 25-17, 25-16, 25-20.