Jill Ellis
US Football coach/ Twitter post

Nagbitiw na sa kaniyang puwesto bilang coach ng US Women’s National Team si Jill Ellis.

Sinabi nito na isang malaking pagkakataon na maging coach ng nasabing koponan.

Kaniya itong alalahanin sa buong buhay niya.

Pinasalamatan din ng 52-anyos na coach ang kaniyang koponan na sumunod sa kaniyang mga bilin para magwagi.

Magugunitang pinangunahan ni Ellis ang US Women’s National Team para makuha ang back-to-back champion sa FIFA Women’s World Cup.

Ikinalungkot naman ni US Soccer President Carlos Cordeiro ang pagbitiw sa puwesto ni Ellis.

Unang nakuha ng kampeonato ng US Women’s Football team noong 2015 kung saan mahigit isang taon pa lamang itinalaga si Ellis.