Sarah Thomas
Sarah Thomas

Nakapagtala ng record ang American cancer survivor na si Sarah Thomas.

Ito ay matapos na matawid ang English Channel ng apat na beses ng walang tigil.

Si Thomas na isang open water marathon swimmer mula sa Colorado ay natapos ang record sa loob ng 54 oras.

Nagmula ito sa Dover port sa Britain at nagtapos sa Shakespeare Beach sa south Coast ng United Kingdom.

Ibinunyag pa ng 37-anyos na swimmer na napagod ito subalit nilakasan niya ang kaniyang loob para ialay ang record sa kapwa niya may breast cancer.

Dalawang taon niyang pinaghandaan ang nasabing paglalangoy.

Pinuri naman ng ilang mga sikat na swimmer sa buong mundo ang ginawang ito ni Thomas.