-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Turkish ambassador Niyazi Evren Akyol ang Pilipinas dahil sa pagpapadala nito ng 80-member team na tutulong sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey.
Tinawag nito na mga bayani ang nasabing mga rescuers dahil hindi nasusukat sa bilang ang pagtulong.
Dagdag pa ni Akyol na dapat ipagmalaki ng Pilipinas ang mga rescuers na siyang magtutungo sa nasabing bansa.
Magugunitang nitong Miyerkules ng gabi ang nagtungo na sa Turkey ang inter-agency group ng 83 na mga trained rescuers, doctors, sundalo at airmen.
Magtatagal ng hanggang tatlong linggo ang mga rescuers ng bansa at sila ay papalitan ng ibang grupo sakaling mapalawig ng gobyerno ang kanilang rescue efforts.