-- Advertisements --
Ibinunyag ng actress na si Ashely Judd kung paano nasawi ang ina nitong si Naomi Judd.
Ayon sa actress na nasawi ang 76-anyos na ina dito matapos na ito ay magpakamatay gamit ang isang baril.
Nagpasya aniya ang pamilya nito na ibunyag sa publiko ang sanhi ng kamatayan ng ina.
Unang sinabi ng actress na namatay ang ina nila dahil umano sa isang sakit noong Abril 30.
Dagdag pa ng actress na siya mismo ang nakadiskubre sa nasabing bangkay ng ina noong ito ay magpakamatay.