DAGUPAN CITY- Patay sa enkuwentro ang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos manlaban sa mga operatiba sa isinagawang buybust operation sa barangay Bonuan Binloc, Dagupan City.

Kinilala ang napatay na suspek na si Ronron Manalo, nasa wastong gulang at residente dito sa lungsod ng Dagupan.

Nangyari ang bentahan ng illegal na droga sa isang waiting shed sa pagitan ng suspek at nagpanggap na buyer.

Pero nang maramdaman ng suspek na operatiba ang kanyang katransakyon ay agad siyang bumunot ng baril at nagpaputok sa mga operatiba hanggang sa nagkaroon ng palitan ng putok.

Nang masawi ang suspek ay nakumpiska sa kanya ang caliber .32 pistol na may mga lamang bala.

Nasa 5 grams din ng hinihinalang shabu ang nabili kay Manalo.

Pero nang kapkapanan ay nakakuha pa ng isa pang 5 grams ng shabu at dalawang maliliit na pakete.

Tinatayang nasa 54,000 ng halaga ng umanoy illegal na droga ang nakuha sa suspek.