CAUAYAN CITY- Inaresto ang isang tsuper ng tricycle matapos umanong magbenta ng illegal na droga sa Purok-7, Barangay Uno, Jones, Isabela
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Jones Police Station ang pinaghihinalaan ay si Jay Pascual, 42 anyos, Tricycle driver at residente ng Linomot, Jones, Isabela ngunit pansamantalang naninirahan sa Barangay 2, Jones, Isabela.
Magkatuwang ang Provincial Intelligence Unit, Provincial Drud Enforcement Unit, Jones Police Station at PDEA Region 2 ay matagumpay ang isinagawang drug buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspect sa umanoy pagtutulak ng illegal na droga droga.
Bitbit ang isang sachet ng hinihinalang Shabu, nakipagtransaksyon umano ang suspek sa isang pulis na nagsilbing buyer.
Nakuha sa pag-iingat ng suspect ang droga, cellphone at buy-bust money.
Nakunan ng video ang pakikipagtransaksiyon ng suspect sa pulis.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002) ang kakaharapin ng suspect na nasa pangangalaga na ng Jones Police Station.