-- Advertisements --

Pormal ng naupo bilang ikatlong babae ng United Kingdom si Liz Truss.

Matapos ang panalo nito sa conservative votes at ang pormal na pag-endorso sa kaniya ni Queen Elizabeth II ay nagtungo na agad ito sa House of Commons.

Sa talumpati ng 47-anyos na dating foreign minister, prioridad nito ang pagbawas ng tax cuts at ang tugunan ang krisis sa enerhiya dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga gasolina.

Tiniyak din nito ang pagtatanggol niya ng kalayaan at demokrasya sa usapin ng paglusob ng Russia sa Ukraine.

Magugunitang unang nakipagkita kay Queen Elizabeth II si dating British Prime Minister Boris Johnson para pormal ng ihayag ang pagbibitiw nito sa puwesto.

Sa tradisyon kasi ay iniimbitahan ng Reyna ang bagong prime minister na bumuo ng bagong gobyerno sa Bukingham Palace subalit sa unang pagkakataon matapos ang 70-taon na panunungkulan ay nagpasya si Queein Elizabeth na huwag bumiyahe sa London dahil sa kaniyang kalusugan.

Pinalitan ni Truss si Johnson matapos na ito ay magbitiw dahil sa kinakaharap na kontrobersiya.