-- Advertisements --
Ibinunyag ni US President Donald Trump na nadismaya ito kay Russian President Vladimir Putin.
Kasunod ng pagiging mediator ng US para isulong ang ceasefire sa pagitan nila ng Ukraine.
Dagdag pa nito na inaasahan niya sana noon na makausap ang Russian president na ginanap sa Alaska.
Magugunitang sinabi ni Trump noong sa kaniyang kampanya na kaniyang wawakasan ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia sa loob lamang ng ilang araw.