-- Advertisements --

Naghain ng not guilty plea si dating US President Donald Trump sa 34 felony counts ng pamemeke ng kaniyang business records sa Manhattan court.

Ang nasabing kaso ay nagsimula sa imbestigasyon ng hush money na ibinayad ni Trump sa adult film actress na si Stormy Daniels noong 2015 presidential campaign.

Binayaran umano ni Trump si Daniels ng nasa $130,000 para ito ay manahimik na lamang at huwag ibunyag ang kanilang nakaraang relasyon dahil ito ay sisira sa kaniyang pagkapangulo.

Itinakda naman sa Disyembre 4 ang susunod na pagdinig sa kaso ni Trump.

Sa isinapublikong pagsasakdal kay Tump na plano nito na itago ang mga negatibong impormasyon kabilang ang iligal na pagbabayad ng $130,000.

Ang rason aniya na kaya ginawa nito ang krimen ng pamemeke ng kaniyang business records ay bahagi para sa promosyon ng kaniyang kandidatura.

Matapos ang pagbasa ng sakdal ay hindi na nagbigay pa ng komento si Trump sa mga nakaabang na reporter sa labas ng korte.

Agad na bumalik ang convoy nito sa kaniyang bahay sa Florida.