trumpo
Donald Trump

Ipinaliwanag ni US President Donald Trump ang pagdagdag niya ng 1,000 mga US troops sa Poland.

Sinabi nito na ang isang rotational basis ang paglalagay niya ng mga sundalo sa nasabing bansa.

Ang nasabing anunsiyo ay kasabay ng pagbisita sa White House ni Polish President Andrzej Duda.

Sa kaniyang pagbisita pumirma ang dalawa ng defense treaty.

Bukod pa sa nasabing pagdagdag ng mga sundalo sa Poland ay nakatakdang bumili ang nasabing bansa sa US ng F-35 fighter plane.