-- Advertisements --

Natapos ang kampanya ni Filipina tennis star Alex Eala sa 2025 Nottingham Open.

Ito ay matapos na mabigo siya sa kay Magda Linette ng Poland sa score na 6-4,6-3.

Sa unang set ay hawak ni Eala ang kalamangan 3-0 hanggang biglang umarangkada ang Polish tennis player.

Nagawa pang humabol ang Pinay tennis star subalit nangibabaw ang galing ni Linette para makapasok sa ikalawang round.