-- Advertisements --

Magpapadala si US President Donald Trump ng mga federal law enforcement at National Guard sa Kenosha, Wisconsin.

Kasunod ito sa naganap na kilos protesta matapos ang pamamaril sa African-American na si Jacob Blake Jr ng mga kapulisan.

Ayon kay Trump, nais niyang maiwasan ang mga magaganap na nakawan, arson at anumang kaguluhan sa nasabing lugar.

Nakausap na rin niya ang si Governor Tony Evers ng Wisconsin at pumayag itong maglagay ng mga federal law enforcement at National Guard.

Magugunitang binaril ng mga kapulisan ang 29-anyos na si Blake na nasa malubhang kalagayan sa pagamutan ngayon habang nakatalikod at papunta sa kaniyang sasakyan.

Ang nasabing pamamaril ay nasaksihan rin ng dalawang anak ni Blake nitong Lunes.

Dahil sa pangyayari ay sumiklab ang kilos protesta sa lugar.

Dalawang katao na rin ang nasawi matapos ang kilos protesta kung saan isang 17-anyos na binatilyo ang inaresto.