Tinawag ng legal team ni US President Donald Trump na isang delikadong pang-aatake sa demokrasya ang impeachment charges sa US President.
Ayon sa kampo ng US President, na wala sa dokumento sa articles of impeachment na may krimen na kinasangkutan ang US President.
Isa rin ang impeachment na magsisira sa gaganaping 2020 presidential elections.
Ang nasabing reaksyon ay inilabas matapos na naglabas ng Democrats ng kanilang pahayag tungkol sa impeachment.
Isasagawa ang pormal impeachment trial sa Enero 22.
Si Trump ang siyang magiging pangatlong pangulo sa kasaysayan ng US na haharap sa impeachment trial kung saan inakusahan ito ng abuse of power at obstruction of Congress dahil sa pagpapaimbestiga kay dating US Vice President Joe Biden ng tawagan ang pangulo ng Ukraine.