-- Advertisements --

Nangako US President Donald Trump na magiging maayos ang transition nila ni President-elect Joe Biden.

Ginawa ni Trump ang naturang pahayag matapos na pinagtibay ng US Congress ang pagkapanalo ni Biden sa halalan noong nakaraang taon.

Nangyari ito ilang oras matapos na lusubin naman ng mga supporters ni Trump ang US Capitol, ilang linggo makalipas na inilaban ng presidente at mga kaalyado nila ang kanilang pagkuwestiyon sa resulta ng halalan.

Sa isang statement na inilabas ng White House, sinabi ni Trump na bagama’t kontra siya sa resulta ng halalan, tinitiyak naman niya ang pagkakaroon ng “orderly transition” sa Enero 20.

Magugunita na makailang ulit na iginiit ni Trump na mayroong pandaraya sa naganap na halalan.