-- Advertisements --

Inakusahan ni US President Donald Trump ang China na nilabag ang kanilang kasunduan.

Nagkasundo kasi ang US at China pansamantalang pagbabain ang taripa matapos ang ginawang pag-uusap noong mga nagdaang linggo sa Geneva.

Dagdag pa ni Trump na iniulat sa kaniya ni US Trade Representative Jamieson Greer na hindi pa tinanggal ng China ang non-tariff barriers gaya ng napagkasunduan.

Umalma naman ang China at sinabing dapat na tigilan ng US ang discriminatory restrictions nito sa kanila.

Dahil dito ay ikinabahala ng mga ekonomista sa US na maaring muling lumala ang tensyon sa pagitan ng US at China.

Magugunitang kapwa nagpatupad ng mga mataas na taripa ang US at China.