-- Advertisements --

Naghayag ng interest si US President Donald Trump na tawagan ang mga Arab countries para bayaran ang mga pinsala dahil sa giyera sa Iran.

Ayon kay White House Press Secretary Karoline Leavitt , na nais ni Trump na tulungan ang mga bansa para makabangon.

Magugunitang nagbanta si Trump na kanilang wawasakin ang mga energy facilities ng Iran kung magmatigas ang mga ito na hindi tumugon sa peace deal.

Muling inulit naman ni US Secretary of State Marco Rubio ang mga objectives nila sa giyera laban sa Iran.

Sinabi nito na sa loob ng ilang linggo lamang ay matatapos na nila ang giyera sa Iran at hindi na makakagawa pa ito ng mga nuclear weapons.