Sinampahan ng kaso sa New York si dating US President Donald Trump at tatlong anak nito na sina Ivanka, Eric at Donald Jr.
Kasunod ito sa ginawang imbestigasyon ng korte sa negosyo ng kanilang pamilya.
Ayon kay New York Attorney General Letitia James na mula pa noong 2011 hanggang 2021 ay nagtala ng maraming panloloko ang Trump Organization.
Hiniling din ni James na pagbawalan si Trump at mga anak nito na magsilbi bilang officers o directors ng anumang negosyo sa New York.
Nakasaad din sa mahigit 200 pahinang kaso na nilinlang ng Trump Organizations ang mga umuutang, insurers at tax authorities sa pamamagitan ng pagbibigay ng murang halaga sa mga properties gamit ang mga pekeng appraisals.
Mariing pinabulaanan naman ng Trump Organization ang nasabing mga alegasyon.
Isinusulong din James na pagbawalan ang Trump Organization na makipag-transaksyon sa anumang negosyo.
Balak din ng attorney general na mabawi ang nasa $250 milyon na nalikom ng dating pangulo dahil sa pangungurakot.