-- Advertisements --

Inanunsyo ng U.S. Department of Health and Human Services (HHS) na binawi nito ang $60 million pondo para sa Harvard University dahil sa umano’y kabiguan ng unibersidad na tugunan ang antisemitism at diskriminasyon para sa mga katutubong kultura sa kanilang kampus.

Ayon sa HHS, bahagi ito ng mas malawak na kampanya ng pamahalaan laban sa mga unibersidad sa Estados Unidos na anila’y naimpluwensyahan ng mga makakaliwa.

Batay sa datos mula Enero ng taong ito halos $3 billion na ang natigil o binawing pondo para sa Harvard.

Binatikos ang Harvard dahil sa umano’y pagpapabaya sa diskriminasyon laban sa mga estudyanteng Hudyo, kaugnay ng mga pro-Palestinian na kilos-protesta noong nakaraang taon. Inakusahan din ang unibersidad ng patuloy na paggamit ng lahi sa admission process.

Samantala hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Harvard, ngunit una na nitong sinabi na hindi nito kayang saluhin ang kabuuang gastos mula sa nawalang pondo at nagsampa na rin ito ng kaso laban sa administrasyon ni Trump.