-- Advertisements --

Pinagbawalan na ng Trump administration na makapag-enroll ang mga dayuhang mag-aaral sa Harvard University.

Ayon sa US Department of Homeland Security na ang mga natitirang foreign students ay dapat lumipat na kung ayaw nilang mawala ang kanilang legal status.

Mahigpit na ipinag-utos ni Homeland Security Secretary Kristi Noem sa kaniyang mga tauhan ang pagtanggal ng Student and Exchange Visitor Progrm certification ng Harvard.

Sa sulat ni Noem sa Harvard ay inakusahan nito ang unibersidad sa hindi pagiging ligtas lalo na sa mga Jewish students na nagsusulong ng simpatiya sa mga Hamas.