Suspendido pa rin ang traslasyon para sa selebrasyon ng Pista ng Poong Itim na Nazareno sa January 9, 2023.
Ayon Social Communications ng Quiapo Church – bagamat tuloy-tuloy ang ginagawa nilang paghahanda para sa selebrasyon ay sigurado naman na hindi pa rin magsasagawa ang simbahan ng tradisyonal na traslasyon.
Ang traslasyon ay ang prusisyon na maghahatid sa imahe ng Poong Itim na Nazareno pabalik sa tahanan nito sa Quiapo Church.
Paalala ng Simbahan ng Quiapo, patuloy pa rin ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa preparasyon sa nasabing pista.
Kayat dapat anilang mag-antabay ang mga deboto sa kanilang anunsyo para sa mga aktibidad na ilalatag hinggil dito.
Nananatiling layunin anila na maipagdiwang ang Pista ng Poong Itim na Nazareno ng maayos at ligtas ang bawat isa.
Kaya bagamat tuloy ang selebrasyon sa susunod na taon, ay kanselado pa rin ang taunang traslacion.