-- Advertisements --

Patuloy ang batikos na natatangap ni transgender athlete na si Lia Thomas na nakapagtala ng kasaysayan ng magwagi sa NCAA swimming championship.

Si Thomas kasi ang unang transgender athlete na nakapag-uwi ng titulo ng magwagi sa 500 meter freestyle.

Isa sa mga naghain ng protesta ay si dating Olympic swimmer Reka Gyorgy kung saan sumulat ito sa US college sports governing body na kumukuwestiyon sa panalo ni Thomas.

Nakasaad kasi sa panuntunan ng USA Swimming na ang mga trans atlethes ay dapat sumailalim ng tatlong taon na hormone replacement therapy bago makasali sa anumang kumpetisyon.

Subalit sa kalagayan ni Thomas ay kulang pa umano ito ng anim na buwan pero nagdesisyon ang NCAA na hindi sundin ang ipinapatupad na panuntuna ng USA Swimming organization.

Sinabi ni Gyorgy, na naging pambato ng bansang Hungary noong 2016 Olympic na ngayon ay nasa Virginia Tech, na lubos na nakakagalit ang ginawang desisyon na ito ng NCAA.

Maging ang Save Women’s Sport, ang grupo na kumokontra sa transgender athlete ay nagsagawa n na rin ng kilos protesta.