-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Pansamantalang sinuspinde ng Bureau of Fire Protection o BFP Cauayan ang business transaksyon ng kanilang tanggapan matapos na tamaan muli ng COVID-19 ang ilang bumbero sa lunsod.

Ito ay sa kautusan na rin ni Fire Chief Inspector Aristotle Atal dahil sa pagpositibo sa virus ng tatlong personnel.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Officer 2 Francis Decena, tagapagsalita ng BFP Cauayan City, tanging mga emergency case at decontamination activity ang tinutugunan ng kanilang himpilan.

Maari pa rin namang ipadala ng mga mamamayan ang kanilang concern sa facebook account ng BFP Cauayan pero limitado rin ang kanilang online transaksyon.

Sa ngayon ay nakasailalim ang lahat ng personnel sa quarantine at aasahang isasailalim sa SWAB test ang lahat ng may pakikisalamuha sa mga nagpositibo.

Sa ngayon ay hindi pa matiyak kung kailan babalik sa normal na operasyon ang Cauayan City Fire Station.