Isinama na sa NBA All-Star Games sina Scottie Barnes ng Toronto Raptors at Trae Young ng Atlanta Hawks.
Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver na ang dalawa ay kapalit nina Joel Embiid ng Philadelphia 76ers at Julius Randle ng New York Knicks na parehas na may injury.
Makakasama ang dalawa sa Eastern Conference All-Star na pinamumunuan ni Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo.
Si Barnes ay 2021-2022 NBA Rookie of the Year na ito ang unang pagkakataon niyang makapaglaro sa NBA All-Star Game.
Mayroon itong 20.2 points, 8.1 rebounds, 1.5 blocks at 1.2 steals average sa 50 laro nito ngayong taon.
Sila lamang ni Antetokounmpo ang mayroong 1,000 points, 400 rebounds, 250 assists, 50 blocks at 50 steals ngayong season.
Habang si Young ay nasa pangatlong beses ng makapasok sa All-Star Games na mayroon itong 27.3 points career highi, 10.9 rebounds at 1.47 steals sa loob ng 45 na laro nito ngayon taon.
Magaganap ang NBA All-Star Games sa Pebrero 19 sa Indiana.