May malaking epekto sa turismo ng bansa ang banta ng novel coronavirus.

Sinabi ni Ritchie Tuano, pangulo ng Philippine Travel Agencies Association, na mula ng kumalat ang nasabing virus China ay marami ng mga Chinese ang nagkansela ng pagbiyahe.

Ilang grupo rin ng mga Chinese na nakatakdang bumisita sa bansa mga susunod na araw ay nagkansela na rin ng kanilang biyahe.

Maguguitang noong nakaraang taon ay pumangalawa ang China sa pinakamaraming bilang ng mga bumisitang turista sa bansa base na rin sa datos ng Department of Tourism.