Pumalo sa 6.8 million ang bilang mga turistang bumisita sa bansa mula Enero hanggang Oktubre.
Ayon sa Department of Tourism sa nasabing bilang ay tumaas ng 15 percent ang tourist arrival ngayong taon kumpara noong nakaraang taon sa parehas na buwan.
Nanguna sa bilang ang South Korea na mayroong 1.6 million arrivals.
Itinuturong dahilan dito ay ang pagpirma ng dalawang bansa ng tourism cooperation program.
Nasa pangalawang puwesto ang China na mayroong 1.5 million tourist arrival habang pumangatlo ang United States na mayroong 872,000 tourist arrivals na sinundan ng Japan at Taiwan.
Sinabi ni DOT Secretaray Bernadette Romulo-Puyat na ang pagkakaroon ng air connectivity at intensified marketing promotions ang isa sa dahilan kaya tumaas ang tourist arrival ng bansa.