-- Advertisements --
Malaking hamon ngayon sa sektor ng turismo ang kakulangan ng mga manggagawa.
Ayon kay Hotel Sales & Marketing Association (HSMA) President Loleth So na karamihan sa mga nasa hospitality and tourism sector ay nahihirapan na mapanatili ang kanilang mga manggagawa.
Karamihan aniya sa mga manggagawa ay nagtutungo na sa ibang bansa dahil sa malaking pasahod doon.
Kadalasan sa mga ito ay nag-a-apply sa mga cruise ship.
Maraming bansa ang mas pinipili nila ang mga manggagawang Filipino dahil sa kakaibang sipag ng mga ito.
Sa ngayon ay gumagawa na ang grupo ng programa para mahikayat ang mga mangagawa na manatili at hindi na magtrabaho pa sa ibang bansa.