-- Advertisements --

Pormal ng naiproklama bilang miyembro ng House of Representatives sa ika-20th kongreso matapos ang pagka-disqualify ng Duterte Youth Party-List.

Kinabibilangan ito nina Murang Kuryente party-list Rep. Arthur Yap , Ang Probinsiyano Rep. Alfred Delos Santos at Abono Party-list Rep. Robert Raymond Estrella.

Nanumpa ang mga ito sa harap ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Nakakuha kasi ng tatlong upuan noong 2025 midterm elections ang Duterte Youth kung saan pumangalawa sila na mayroong kabuuang boto na 2.338 milyon.

Subalit na-disqualify ang mga ito ng Commission on Election (COMELEC) dahil sa pagsisinungaling ng pahayag nila sa petisyon, walang bona fide intention na magrerepresenta ng nasabing sektor.

Nagsusulong umano ito ng karahasan at hindi tamang paraan para makamit ang naisin at ito ay itinayo para maging kapalit ng tinanggal na National Youth Commission.