-- Advertisements --

Malaki ang tiwala ng Department of Tourism (DOT) na tuluyan ng babalik ang sigla ng turismo sa bansa.

Ito ay matapos na magtala nasa 1.7 milyon na international arrivals sa bansa mula Enero hanggang Abril ngayong taon.

Sinabi ni Tourism Secretary Maria Cristina Frasco, na ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon.

Naniniwala din ito na makakabawi ang lokal na turismo sa bansa ngayong taon.

Pinasalamatan din nito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa pinapatutukan nito ang turismo sa bansa.