-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Board of Investments ang pagbibigay ng tax incentives sa mga tourism enterprises na sasailalim sa rehabilitasyon at upgrades para sa health safety ng kanilang mga kliyente.

Ito ang inanunsyo ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, bilang suporta ng gobyerno sa mga negosyanteng nakakatuwang para sa pagbangon at pagpapalakas muli ng tourism industry.

Sakop ng tax incentives na ito ang hotels, resorts, tourist transport firms at marami pang iba.

Kasama sa mga pasilidad na maaaring ma-upgrade para makasunod sa health protocols ang mga sumusunod: guest rooms, food at beverage outlets, function meeting rooms, recreational areas, iba pang common areas, labahan, kusina, housekeeping facilities, paglalagay ng thermal scanners at hygiene kits.

Pero bago magawa ang mga adjustment, kailangang nakipag-coordinate muna sa DoT para sa tamang gabay at mga libreng form para sa hakbang na ito.

-- Advertisement --