-- Advertisements --
Nagtakda ang Department of Tourism ng 7.7 milyon na target para sa international arrivals ngayong 2024.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, na ang nasabing bilang ay mas mababa pa bago ang pagtama ng COVID-19 pandemic noong 2019 na mayroong 8.2 milyon.
Noong nakaraang 2023 kasi ay nahigitan nila ang target na 4.8 milyon kung saan nakapagtala sila ng 5.45 milyon na international visitors.
Nananatili ang South Korea sa may pinakamaraming bumisita sa Pilipinas na bumbuo ng 26% na sinundan ng US, Japan at Australia.