-- Advertisements --
Nagbabala si Presidential Spokesman Harry Roque na hindi malayong ipatupad ng gobyerno ng total lockdown kaugnay sa COVID-19 kung patuloy ang mga pasaway na ayaw manatili sa kanilang mga bahay.
Sinabi ni Sec. Roque na ikinokonsidera na nila ang total lockdown kung hindi susunod ang mga mamamayan sa mga ipinaiiral na enhanced community quarantine at kung patuloy na tataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Ayon kay Sec. Roque, nakakahiyang Pilipinas na ang nangunguna sa mga kaso ng COVID-19 sa ASEAN region dahil sa katigasan ng ulo ng mga pasaway.
Kasabay nito, nananawagan si Sec. Roque sa lahat na manatili na lamang muna sa mga bahay para rin sa kabutihan ng lahat at para matapos na ang lockdown.