-- Advertisements --

Sa ikalawang araw mahigit na naman sa 4,000 ang mga naitalang panibagong nagpositibo sa COVID-19 cases sa Pilipinas na mas mababa kumpara sa mga nakalipas na mga linggo.

Agad namang nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang mababang bilang ng kaso nitong Miyerkules ay dulot ng mababang testing output ng mga laboratoryo nitong nakalipas na Lunes.

Ayon pa sa DOH nasa 4,842 ANG karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala na bahagyang mataas kumpara nitong nakaraang Martes na merong 4,734 na mga bagong kaso.

Sa ngayon umakyat pa sa 1,118,359 ang total COVID cases sa bansa mula noong nakaraang taon.

Sa kabila nito marami muli ang naitalang gumaling na nasa 8,312.

Ang kabuuang mga gumaling na sa bansa ay nasa 1,046,431 o katumbas ito ng 93.6 percent.

Mero naman panibagong mga nasawi na 94 bunsod pa rin sa deadly virus.

Ang death toll ngayon sa Pilipinas ay umaabot na sa 18,714 o katumbas ito sa1.67 percent.

Samantala meron namang limang laboratoryo ang nabigong makapagsumite ng kanilang data sa DOH.

“30 duplicates were removed from the total case count. Of these, 21 are recoveries. Moreover, 35 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation. All labs were operational on May 10, 2021 while 5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS),” bahagi ng DOH statement.