-- Advertisements --

Pinatawan ng US ng sanctions ang top Lebanese politician dahil umano sa akusasyon ng kurapsyon sa bansa.

Si Gebran Bassil ang namumuno ng Free Patriotic Movement na isang Christian party na kaalyado umano ng Shia movement na Hezbollah.

Sinabi ni US Treasury Secretary Steve Mnuchin na isa si Bassil sa naging dahilan kaya nagkaroon ng malawakang kilos protesta dahil umano sa pagiging corrupt official nito.

Labis aniya na sinusoportahan ng US ang mga Lebanese sa patuloy nilang panawagan ng pagbabago at pagpapanagot sa mga nasa likod ng malawakang kurapsyon.

Dahil sa sanctions ay mahihirap si Bassin na bumuo ng bagong gobyerno.

Sinagot naman ni Bassin ang sanctions sa kaniya at sinabing hindi ito natatakot at hindi niya tatalikuran ang mga lebanese.