HPG 1
HPG

Tinatayang 700 tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) ang ipinakalat din sa mahigit 500 sementeryo sa bansa at mga pampublikong lugar.

Layunin nito ay para tiyakin ang seguridad sa nalalapit na All Saints at All Souls Day sa darating na November 1 at 2.

Ayon kay Philippine National Police-HPG director B/Gen. Dionardo Carlos, plantsado na ang kanilang paghahanda para sa Todos los Santos at naalerto na ang kanilang mga tauhan sa 17 rehiyon sa bansa.

Sinabi ni Carlos, sa kabuuan ay nasa 695 HPG personnel ang nakadeploy na at
360 sa mga ito ay nakabantay sa mga sementeryo, 260 ang nakatutok sa mga terminal ng bus, 26 sa istasyon ng tren, 34 sa seaports at 15 sa airports.

Dagdag pa ni Carlos, mayroon din silang inaasahang halos 2,000 force multiplier na tutulong sa HPG.

Binubuo ito ng Bantay bayan, Barangay Peacekeeping Action Team at mga volunteer.